Duterte nakaboto na

NAKABOTO na si Pangulong Duterte sa kanyang polling precinct sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City.

Pasado alas-4 ng hapon nang dumating si Duterte sa polling precinct kung saan kasama niya ang kanyang long-time partner na si Honeylet Avancena.

Wala namang naging aberya sa kanyang pagboto matapos na tanggapin ng voting counting machine (VCM) ang kanyang balota.

Bago umalis, sinulatan pa ng dedikasyon ni Duterte ang upuan na ginamit sa kanyang pagboto.

Read more...