2 huli sa vote-buying

ARESTADO ang 21-anyos na babae na isang kagawad ng Sangguniang Kabataan at isa pa dahil sa vote buying sa Quezon City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Lovely Mae Bansali, at Gian Carlo Caber, 33, ng 6-A Interior 34 F. Castillo St., Project 4, Brgy. Bagong Buhay, ay inaresto ng Project 4 Police Station (Station 8).

Inaresto ang dalawa alas-7:48 ng gabi sa A. Luna corner Evangelista st., Brgy. Bagumbuhay, Project 4.

Narekober umano sa mga suspek ang listahan ng mga kandidato at brown envelope na may P200 at notebook na may campaign picture ng isang kandidato.

Ang vote buying ay may kaparusahan na isa hanggang anim na taong pagkakakulong at multang hindi bababa sa P10,000.

Read more...