Mahabang pila sumalubong kay PNoy Tarlac precinct

SINALUBONG si dating pangulong Noynoy Aquino III ng mahabang pila matapos bumoto sa Precinct 67 sa Tarlac City.

Sa ulat ni Rida Reyes, ng GMA News, mahigit isang oras pumila si Aquino. Walang espesyal na pagtrato ang ibinigay sa kanya.

“Hindi ko na iniisip ‘yun, basta umaabante kami okay na ko,” sabi ni Aquino.

Habang naghihintay, sinabi ni Aquino na pinag-isipan niya kung sino pa ang idaragdag sa kanyang listahan sa pagkasenador bukod pa sa mga kandidato ng Otso Diretso.

“Maganda ito, mahaba pa ‘yung pila, mahaba pa ‘yung pagdedebatehan ko sa sarili ko. Kung isasama ko o hindi,” dagdag ni Aquino.

Umabot naman sa 67 vote counting machines (VCMs) sa Precinct 67.

Read more...