REGINE dapat ‘HIWALAYAN’ si OGIE, panahon na para magkanya-kanya sila ng landas


MAS maraming nagpapayo kay Regine Velasquez na manatili bilang Kapuso star kesa lumipat sa ibang istasyon. Maugong na ang balitang sasama ang Asia’s Songbird sa kanyang asawang si Ogie Alcasid sa paglipat nito sa TV5 na bibigyan diumano ng mataas na posisyon sa network.

May mga nakakaus kami na hayaan na lang daw ni Regine si Ogie na nag-ober da bakod sa Singko at mag-stay na lang siya sa GMA. For all you know nga naman kapag naghiwalay sila ng istasyon ay mas lalong bumongga ang kanilang individual career.

“Tsaka kailangan ba talagang magkasama sila lagi? Hindi ba pwedeng hiwalay na muna? Kasi parang nauumay na rin sa kanila ang mga tao, palagi na lang silang nakabuntot sa isa’t isa.

Malay mo, kapag nasa TV5 na si Ogie tapos naging loyal naman si Regine sa GMA, mas subaybayan sila ng manonood, di ba?” sey ng isa naming source.

“And besides si Ogie lang naman ang nawalan ng trabaho sa Siyete, si Regine may Sarap Diva pa na maganda naman ang takbo sa ratings game. Kaya sana pag-isipang mabuti ni Regine ang bagay na ‘yan.

Marami pang pwedeng ibigay na challenging projects sa kanya ang GMA, I’m sure kahit si Regine, may mga naiisip na rin yang new concepts, nasa maayos na pag-uusapan lang ‘yan,” chika pa ng aming source.

Anyway, speaking of Sarap Diva, ngayong Sabado ng umaga, espesyal na naman ang handog ng Songbird sa kanyang mga kumare at ka-cooking session.

Makakasama ni Regine ang kontrobersiyal na Kapuso leading man at direktor na si Cesar Montano. The Kapuso star will be trading the secrets of his Bellisimo Ristorante’s bestselling recipes, from the do it your own pizza supreme to the house specialty, pasta aglio iglio, partnered with the sweet side dish of fried mozarella.

Bukod sa kitchen, ililibot din ni Buboy si Regine sa iba’t ibang bahagi ng kanyang restaurant kung saan makikita ang mga unique at magagandang paintings ng aktor.

At siyempre, sa kadaldalan ba ng Songbird ay makakalagpas sa kanya ang mga kinasasangkutang issue at kontrobersiya ng aktor? You won’t expect how he gets candid and reveals all about his showbiz beginnings to his now controversial family life.

May jamming session din ang dalawa na first time nilang gagawin on national TV. So, don’t  miss this one of a kind bonding this Saturday morning with Regine and Cesar Montano sa Sarap Diva ng GMA.

( photo credit to google )

Read more...