ISANG guro mula sa Tarlac na nanalo ng P23.7 milyong jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 noong Hulyo 10 ang planong magpatayo ng maliit na paaralan.
Kinuha ng nanalo ang kanyang premyo kay Atty. Jose Ferdinand Rojas, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, noong Lunes.
Nagkakahalaga ng P20 ang kanyang itinaya sa naturang bola at nakursunadahan lamang niya ang mga lumabas na numerong 41-09-45-03-21-17.
Magpapatayo rin umano siya ng kanyang sariling bahay at magtitira para sa kinabukasan ng kanyang mga anak. Siya ay mayroong limang anak.
MOST READ
LATEST STORIES