5 Intsik dakma sa kidnap-for-ransom

ARESTADO ang limang Tsino, na kumidnap umano sa kanilang kababayan, sa Las Pinas City, kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Shen Li Wei, 29; Ruan Hu Bin, 29; Chen Sing, 29; Weng Peng Chao, 29, at Li Hui Sie.

Nasagip naman ng pulisya mga biktima na sina Zhou Yang at Sengxiao Ling.

Ayon kay Las Pinas police chief Col. Simnar Gran, nasakote ang mga suspek sa entrapment operation sa Circuit Plaza, Ayala Ave., Makati,ala-1:30 ng mada-ling araw.

Ayon sa saksing si Ou She, naglalakad siya kasama sina Yang at Ling sa Verdant Ave., Bgy. Pamplona 3 sa Las Pinas alas-11:45 ng gabi ng Sabado nang hintuan sila ng Toyota van (AIA 2234) sakay ang 10 suspek.

Kinuyog sila ng mga suspek bago sapilitang isinakay sa sasakyan.

Nakatakas si Shen at iniulat ang insidente sa kanyang boss, na humingi naman ng tulong sa pulisya.

Napag-alaman na humingi umano ang mga suspek ng P200,000 pero ibinaba kalaunan sa P150,000 ang ransom.

Nagkasundo ang dalawang kampo na magkita sa Circuit Plaza.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang ransom money ay agad na hinuli ang limang suspek na nauwi pa sa komosyon. Nailigtas naman ang dalawang biktima.

Nasakote ang lima pang suspek sa tinutuluyan nila sa Rivergreen Center, Pedro Gil, Sta.Ana, Maynila.

Read more...