HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ni Angel Locsin ang kanyang ex-boyfriend na si Miko Sotto, anak ng Kapuso TV host-radio anchor na si Ali Sotto.
Nitong nakaraang May 10, personal na dinalaw ni Angel ang puntod ni Miko para sa paggunita ng 37th birthday nito.
Sa kanyang Twitter account, ipinost ni Angel ang litrato ng puntod ng yumaong aktor na may caption na, “Happy birthday, Miko! RIP.”
Pumanaw si Miko noong madaling araw ng Dec. 29, 2003. Aksidente siyang mahulog mula sa 9th floor ng tinitirhang condominium sa Mandaluyong City. Siya ay 21 years old noon.
Ilan sa mga patunay na hanggang ngayon ay nasa puso pa rin ni Angel si Miko na aniya’y first love niya, ay ang pagdalaw ng aktres sa puntod ng binata noong Dec. 29, 2013, ang 10th death anniversary ni Miko.
Noong May 10, 2016 ay nag-post din si Angel sa kanyang social media account ng birthday message para kay Miko. Aniya, “Happy birthday Mikolet steady ka lang dyan.”