NO-show ang dalawang taong konektado sa isang food business ni Kris Aquino sa ginanap na board meeting kamakailan kung saan naging bahagi rin si ang kontrobersyal na si Nicko Falcis.
Si Kris ang president at chairman ng Nacho Bimby Pilipinas Corporation at mismong siya ang humarap sa ginanap na board meeting pero aniya, hindi sumipot ang corporate secretary at ang taong nasa likod ng pagpa-file ng financial reports para sa Nacho Bimby.
Ang mga nasabing empleyado ayon kay Kris ay “close associates” ng dati niyang business partner na si Nicko Falcis na idinemanda niya ng theft.
Narito ang kabuuang Instagram post ni Kris tungkol sa nasabing isyu: “The corporate secretary who sent me the letter w/ the date, time, and venue chose not to be there. His reason — akala raw nya proxy lang ang padadala.
“Let’s cut the crap, ayaw lang akong harapin kasi isa sya sa investors nung resto bar in Taguig, kung saan may kasong hinaharap si Nicko, dahil nga sa daming beses ginamit ang KCAP credit card for personal enjoyment in the said resto bar, na actually breach of business ethics dahil financial consultant din sya du’n,” pahayag ng Social Media Queen.
Pagpapatuloy pa niya, “The person who prepared the financial reports and should have done the presentation also wasn’t present. Nagkita na kami by accident many weeks back in dean & deluca Rockwell and even if she is nicko’s BFF, nilapitan ko sya and I said ‘We don’t have to be enemies so there’s no need to hide behind your cellphone.’ I said all that in a friendly tone with a big smile.”
“The only one who manned up and was there was Jose ‘JoMag’ Magsaysay. Goes to show who has CHARACTER. Atty Bong Bernas was also there & from all Dean Divina told me he is open minded when it comes to amicable settlements,” aniya pa.
Handa raw ipagbili ni Kris ang share niya sa nasabing food business para lang matahimik na siya. Pero kailangan daw muna niyang malaman kung nasaan na ang P45 million na investment niya rito.
“To clarify what’s at stake, I am chairman & president of Nacho Bimby Pilipinas Corporation which currently owns and runs 10 branches of Potato Corner + Nacho Bimby. That’s not the issue because by all means I’m so willing to sell my share and get out completely,” mensahe pa ni Kris.
“JoMag said he was unaware that Nicko owned a 40% stake of the Thailand Potato Corners which I had invested in. That’s where the unaccounted for ?45M from my sons’ trust accounts was supposedly invested in.
“Siguro kung perang pinaghirapan, pinagpuyatan, at inipon nyo para sa mga anak nyo ang hindi masagot kung nasaan na- mararamdaman nyo rin ang pagsisisi ko sa maling desisyon sa taong binigyan ng tiwala,” matapang na pahayag ng mommy nina Joshua at Bimby.
Kung matatandaan, sinabi ni Kris na nag-invest siya sa Nacho Bimby Pilipinas Corporation under Nicko’s name. Nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan, sinabihan niya si Nicko na ipa-transfer na ang P40 million-worth of investment sa pangalan ng dalawang anak.
“I asked for an accounting of ?40M invested for my sons, and financial reports for our 12 Potato Corner+Nacho Bimby branches and my lawyers & I were ignored,” ang ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account.