Magnitude 5.1 yumanig sa Cagayan

NIYANIG ng magnitude 5.1 lindol ang Cagayan ngayong hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4:59 ng hapon.

Ang epicenter nito ay 58 kilometro sa kanluran ng Calayan. May lalim itong 20 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.

Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa Laoag City, Ilocos Norte at Claveria, Cagayn.

Nagbabala ang Phivolcs na maaaring magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.

Read more...