MAY pera ka ba? Anong gift mo kay mother?
Aminin, hindi lahat ay merong madudukot para pambili ng regalo sa kanya. Pwede namang hindi gumastos para mapasaya si nanay, at naririto ang ilan:
1. Kiss sabay hug
E, kailan mo ba huling niyakap at hinalikan si mudra? Baka miss ka na niya at hindi mo napapansin na matagal na panahon na niyang nais niyang muli mo siyang yakapin at hagkan.
2. Ipagluto
Why not surprise your nanay with breakfast in bed na ikaw rin ang nagluto?
Ikaw naman kaya ang maunang gumising at ipaghanda ng pagkain si nanay.
3. Eat out/pig out
Kung pagkain ang isa sa favorite gawin mo at ng iyong ina, then head to her favorite resto or even cafe. Pwede rin namang mag-recommend sa kanya ng mga places na alam mo na magugustuhan niya.
Pwede rin naman na magpa-deliver na lang sa bahay at doon mag-pig out.
4. Day off
Dahil 24/7 ang trabaho ng isang ina, bigyan siya ng special day off sa mismong Mother’s Day. Save her from cleaning the house, doing the laundry, washing the dishes, etc.
5. Lakwatsa
May paborito bang favorite hangout si mommy? Pwede mo siyang samahan sa pagpunta roon o ipag-drive mo kaya. Habang nasa biyahe ay makapag-bonding kayo for sure.
6. Massage
Ikaw na mismo ang magmasahe sa kanya kung kulang ang budget para I pag-spa siya.
Marami pang bagay na pwedeng gawin para mapasaya si mommy, all you have to do is to think or ask her.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.