“MALASON sana kayo!” ‘Yan ang walang takot na comment ng isang troll sa isang litrato na ipinost ni Kris Aquino sa Instagram.
Pero kung akala ng bastos na basher ay dededmahin lang ng Social Media Queen ang kanyang hate comment ay nagkamali siya. Talagang niresbakan siya ni Kris para ipamukha ang kasamaang ginagawa niya.
Nag-post si Kris sa IG ng photo nila ng bunsong anak na si Bimby habang sabay silang kumakain ng favorite nilang balut.
Sabi ni Tetay sa kanyang caption, “Bonding namin over balut from San Pedro, Laguna. (My mom, kuya Josh, and I loved the balut from Pateros that Archbishop Soc’s mom used to send) In case you’ll wonder,
I’m having IBC Root Beer (nabili in @snr_official). #lovelovelove.”
Maraming nag-post ng magaganda at inspiring comments sa litrato ng mag-ina ngunit isang basher ang nagsabi ng, “Malason sana kayong dalawa!”
Nang mabasa ito ni Kris, mabilis niyang sinagot ang hater at hinamong ilantad ang tunay niyang pagkatao at huwag magtago sa likod ng isang fake account.
Matapang na bwelta ng TV host-actress, “I am so done with being bullied by insane people like you who hit with fake accounts.
“Kung gusto mo talaga kaming lasunin JUST DO IT and stop hiding behind freakingmade up IG accounts.
Tulog ka na raw, your dad Satan says it’s time for bed,” aniya pa.
Kinuyog din ng mga fans ni Kris ang basher at pinagsalitaan ng masasakit.