Nanghingi ng ayuda sa solon binigyan ng second hand umbrella | Bandera

Nanghingi ng ayuda sa solon binigyan ng second hand umbrella

Bella Cariaso - May 12, 2019 - 12:15 AM

DA who ang isang reelectionist na mambabatas na markado na sa isang grupo ng mga senior citizen matapos namang second hand na payong ang ibinigay na ayuda sa mga ito?
Dahil nagpapakilala ang solon na livelihood ang kanyang isinusulong bilang legislator, nilapitan siya ng isang asosasyon ng mga senior citizen sa paghahangad na makahingi ng tulong mula sa mambabatas.
Pinagawan pa ng pormal na sulat ng opisina ng executive ang mga senior citizen na nais ng ayuda.
Sumunod naman sa proseso ang mga senior citizen at pinagbalik-balik pa sa opisina ng mambabatas kahit nasa bandang norte ang kanilang panggagalingan at sa south naman ang sa solon.
Makalipas ang makailang followup sa hinihinging ayuda, laking pagkadismaya ng mga senior citizen na hindi pa brand new ang ibinigay, kundi halatang mga gamit na payong ang donasyon ng government executive.
Usap-usapan tuloy kung aware kaya ang solon sa ibinigay na ayuda ng kanyang opisina at kung saan ginamit ang mga gamit na payong at kinailangan pang ipamigay.
Hindi kaya noong 2013 elections pa ginamit ang mga ito?
Nangyari kasi ang pamimigay ng mga payong bago pa ang kampanya para sa eleksyon bukas.
Kung panahon ng kampanya nangyari ang paghingi ng tulong ng mga senior citizen, gamit na payong din kaya ang ibibigay ng solon?
Biruan tuloy ng mga miyembro ng asosasyon, baka ayaw mabawasan ang bilyones na solon, bagamat livelihood ang platapormang ipingangalandakan ng mambabatas.
Gusto sana ng asosasyon ng mga senior citizen na mabigyan sila sana ng ayuda para maging produktibo pa rin sa kabila ng kanilang edad.
Naisip kaya ng kampo ng solon na hindi makakarating sa media ang ginawa dahil nasa sa probinsya naman sila?
Ang ending, nabawasan ng boto ang reelectionist solon, bagamat malamang na iniisip ng kanyang opisina na wala naman itong epekto sa kanyang kandidatura.
Gusto nyo ba ng clue? Ilang beses na ring nabatikos ang solon dahil sa kanyang pagiging taklesa.
‘Yun na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending