Direk Dan Villegas boto rin kay Nadine para gumanap na Darna

ISA si Direk Dan Villegas na may-ari rin ng Project 8 corner San Joaquin Projects, sa mga film producer na suportado ng Film Development Council of the Philippines na dadalo sa Cannes Producers Network ng Marché du Film na gaganapin sa Mayo 15.

Bukod kay direk Dan, kasama rin niyang aalis sina Monster Jimenez ng Arkeofilms, Treb Monteras ng Dogzilla, Maria Madonna Tarrayo ng UXS, Inc., Kriz Anthony Gazmen ng Black Sheep, Michaela Tadena ng Media East Productions, Pamela Reyes ng Create Cinema at Arleen Cuevas ng Cinematografica Films.

Sa ginanap na send-off presscon ng FDCP nitong Huwebes para sa mga nabanggit na direktor at producer ay inamin ni direk Dan na kaya siya sumali ay dahil wala siyang alam sa pagma-market ng pelikula.

“Gusto kong matuto, to learn how it work and to meet new people,” esplika niya. As of now ay ang pagpo-produce muna ng mga pelikula ang gusto niyang gawin dahil mahirap pagsabayin ang pagdidirek ng teleserye at pelikula.

“Oo, kaya TV muna, pero may tatlo naman kaming ipo-produce ni Tonette (Antoinette Jadaone), isa for Pista ng Pelikulang Pilipino under Regal Films, isa for Viva Films and another one for Cinema One Originals,” pahayag ng direktor.

Inamin din ni direk Dan na iba ang kaba niya sa pagdidirek ng teleseryeng Sino Ang May Sala: Mea Culpa, “Oo kasi di ba, everyday iba-iba ‘yun. Iba sa pelikula kasi kita mo na ang tickets (kung kumita o hindi), eto iba-iba ang nakikita mong ratings,” sambit ng boyfriend ni direk Tonette.

Sobrang bilib nga ni direk Dan sa lahat ng artista ng Mea Culpa, “Ang gagaling nila, ‘yung lima di ba, iba-iba. Tapos si Jodi (Sta. Maria) pa, mahuhusay sila.”

Umamin din ang direktor na hindi niya alam ang mga susunod na mangyayari sa itinatakbong kuwento ng teleserye,

“Kasi hindi naman namin nakukuha ang script nang buo, sinusulat pa ang mga susunod (na episode). Kaya sa totoo lang, wala akong alam. Siguro abangan na lang nating lahat,” napangiting sabi ni Direk.

Samantala, si Nadine Lustre rin ang gusto ni direk Dan na gumanap bilang Darna, “Oo kasi ang character ni Darna very Filipina, and kailangan din ng certain kind of sexiness. Puwedeng i-train si Nadine sa sports o sa (martial arts),” sabi nito.

Bukod kay Nadine ay sino pa ang naiisip ni direk Dan na gumanap na Darna? “Number one choice sana si Nadz (tawag sa aktres), ginawa nga niya ‘yung Darna, di ba? Tapos nag-viral pa?” say niya.

Gusto rin sanang makagawa ng mga superhero movies ni direk Dan pero as of now ang konsentrasyon niya ay nasa,

“Mea Culpa muna, tingnan natin (someday).”

Nakalinya na rin ang project niya para sa balik-tambalan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

“Doon sobrang kinakabahan talaga ako, kasi Marvin-Jolina established loveteam ‘yun, pag na-fuc**ed up ko ‘yun, yari ako. Kaya I’m hoping sana ‘yung generation (noon) sumakay tapos ‘yung next generation iisipin nila na; ah ito pala ‘yung Marvin-Jolina na kinakikiligan noong araw,” paliwanag niya.

Anyway, sa pagpunta ni direk Dan sa special event ng Cannes ay hindi niya makakasama ang kanyang lady love director na si Tonette dahil may sisimulan na itong pelikula.

“Magsisimula na kasi siya ng movie niyang ‘Fan Girl’, ‘yung kay Paulo Avelino. Nagpa-audition pa kami para newbie.

Nakahanap kami ng girl, mahusay. We’re line producing it tapos release ng Epic Media and Black Sheep,” kuwento ng proud boyfie ni direk Tonette.

Read more...