Jessy binastos, nilait dahil sa pagbebenta ng lumang branded bag

ISA pang big deal ang pagbebenta ni Jessy Mendiola ng kanyang pre-loved bags and shoes na branded.

On her YouTube channel, Jessy dropped hints that she is parting ways with her pre-loved Louis Vuitton na hawak niya sa video and her yellow Jimmy Choo high heels.

“Pinaghirapan ko ‘to! Sobra! So please, handle them with love and care,” say niya sa video.
What followed were a series of insult kay Jessy. Parang pinalalabas nilang naghihirap na ito kaya kailangan nang magbenta ng mga gamit.

“Ano ba yan? Jessy Mendiola, Papansin ka na naman, ewan sau? me mapost lang.”

“Ipamigay mo na lang yan. Sus ten years ago model ng LV.”

“Why go for branded bags & shoes if ur going to sell it anyway?!!”

“Ibenta mo tapos itulong mo sa mga bata na nangangailangan ng tulong para naman may maganda kang magawa sa kapwa mo.”

“Hampaslupang linta.”

Ganyan ka-harsh ang mga comments nila kay Jessy. Parang malaking crime ang magbenta ng pre-loved items gayong ginagawa rin naman ito ng ilang celebrities at maging ng mga moneyed people.

Mabuti na lang at may mga nagtanggol din kay Jessy like one fan who said, “There’s nothing wrong on what she’s doing it’s called being practical. i’m not a fan pero i think it’s none of our business kung anong gusto niya gawin sa mga bagay na pinaghirapan niya, just saying.”

“Kawawa naman ang taong ito, wala naman syang masamang ginagawa pero lagi na lang bina-bash. Dahil alng sa na in-love sa kanya si Luis Manzano at iniwan si JM de Guzman? Single pa sya, at may right syang mamili ng karapat dapat na makasama nya forever.

“Kaya nga may kasabihan, wag magmadali, mamili, bakit ka naman kukuha ng lalakeng tamad at walang pera. Wise decision lang ginawa nya. Good luck sa business mo Jessy,” said another fan.

 

Read more...