JM durog na durog kay Barbie: Paasa na, two-timer pa

DUROG na durog si JM de Guzman sa mga ni-reveal ni Barbie Imperial sa tunay na nangyari sa kanilang relasyon sa nakaraang episode ng Tonight with Boy Abunda.

Lumalabas na sinungaling, two-timer at pa-asa si JM batay sa mga pahayag ni Barbie. Una niyang kinontra ang sinabi ni JM na one month lang daw naging sila. July pa lang daw ay may relasyon na sila JM.

Pero hindi lang si JM ang pinatutsadahan ni Barbie sa kanyang guesting sa TWBA kundi pati na ang mga “nananahimik” na ex-boyfriends niyang sina Paul Salas at Ryle Santiago. Sa segment na “Kiss, Marry and Kill” tatlong sets of male celebrities ang lumabas sa big screen ng TWBA at kailangan niyang i-identify kung sino sa mga ito ang iki-kiss niya, ime-marry at iki-kill.

Nu’ng lumabas ang pictures nina Ryle, Paul and JM, nagtanong muna si Barbie kay Kuya Boy kung may nag-walkout na ba siyang guest sa show. Tumawa lang si Kuya Boy at tinanong ulit si Barbie.

Paliwanag ni Barbie, hindi niya maki-kiss at ime-marry ang tatlo kaya “kill” ang pinili niyang word. Kulang na lang sabihin ni Barbie kay Kuya Boy, “I will kill them all.”

Read more...