BoBrey kilig pa more sa ‘My Special Love’ concert

KEN CHAN AT RITA DANIELA

TODO kilig ang fans ng tambalang #BoBrey nang makita nila ang isa sa mga ipinost ni Rita Daniela sa kanyang Instagram Stories.

Ipinasilip ng Kapuso singer-actress ang isang video kung saan mapapanood ang rehearsal nila ni Ken Chan para sa concert nilang “My Special Love: #BoBreyInCONCERT” na magaganap na ngayong Sabado ng gabi.

Napuno agad ng good vibes ang araw ng kanilang supporters dahil kitang-kita nga sa video kung gaano ka-close ang dalawa kahit off cam na may kasama pang akbayan at tawanan.

Tonight na mapapanood ang #BoBrey live sa Music Museum kaya naman hindi na mapakali ang avid fans nina Ken at Rita sa reunion ng magka-loveteam.

Para sa mga gusto pang bumili ng tickets, bisitahin lang ang website na ticketworld.com or tumawag agad sa 891-9999.

Read more...