Sino ang actor-politician na binasted noon ni Mega?

SHARON CUNETA

MAY nagtsika sa amin na napagkatuwaan ni Mayor Sara Duterte si dating Sen. Jinggoy Estrada at ibinisto nito sa harap ng madlang people ang ginawang pambabasted sa kanya ni Megastar Sharon Cuneta.

Sa campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa San Andres Sports Complex sa Maynila, hindi nagpaawat ang presidential daughter sa pagkukuwento noong nanligaw si Jinggoy sa kanyang idolo na si Sharon.

“Alam n’yo po ang idol ko na artista ay si Sharon Cuneta. Kahit araw-araw kami magpa-picture, gagawin ko iyan, hindi ako magsasawa,” pag-amin ni Sara.

Nu’ng nalaman ito ni Jinggoy ay tumabi ito sa kanya ay tuluy-tuloy na nagkuwento ng kanilang nakaraan.

Usisa ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, “So anong nangyari sa lovelife niyo, Sen?”

Sagot daw ni Jinggoy, “Hay naku, paano ka ba naman lalaban kay Gabby Concepcion?”

Pagpapatuloy ni Inday Sara, “Binasted siya ni Sharon Cuneta!”

Read more...