‘Walang karapatang magalit si Kris Aquino sa mga bashers’

MAY dahilan naman kung bakit palaging naba-bash si Kris Aquino. Siya mismo ang naglalantad ng sitwasyon ng kanyang katawan, maraming bawal sa kanya, pero iba naman ang mga sinasabi niya sa kanyang mga ginagawa.

Bawal ang bulaklak sa kanilang bahay, ipinagbabawal ‘yun ng kanyang mga doktor, dahil mas lumalala ang kanyang allergies dahil du’n.

Bawal din sa bahay ng aktres-TV host ang sahig na carpeted, tabla kung tabla o semyento kung semyento lang ang dapat, para huwag umariba ang sakit niya sa balat.

Bawal din siya sa matataong lugar, mahigpit na ipinagbabawal sa kanya ang ganu’n sabi ni Kris, pero ano ba ang ginagawa niya nitong mga huling araw?

Kung ayaw ni Kris na naba-bash siya ay wala siyang ibang dapat gawin kundi ang manahimik na lang pagdating sa kanyang personal at pribadong buhay.

Huwag niyang inilalabas ang kanyang medical history, walang dapat makaalam ng mga sakit niya kundi ang mga taong malapit lang sa kanya, hindi ang publiko.

Kapag nanahimik na siya at nand’yan pa rin ang mga namba-bash sa kanya ay may karapatan na siyang magalit.

Pero sa ngayon, dahil siya rin ang source ng mga ibinabato laban sa kanya, ay wala siyang karapatang magalit sa mga kumokontra sa kanya.

Read more...