P137M Super Lotto jackpot hindi nasungkit

WALANG tumama sa P137.3 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola Huwebes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 23-26-34-41-04-43.

Posibleng umabot sa P141 milyon ang jackpot prize nito sa Linggo.

Nanalo naman ng tig-P70,000 ang siyam na mananaya na nakalimang numero.

Tig-P1,350 naman ang 637 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P24 taya ng 13,962 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Samantala, lalapit naman sa P100 milyon ang jackpot prize ng Lotto 6/42.

Walang tumama sa P82.1 milyong jackpot prize nito sa bola noong Huwebes kung saan lumabas ang winning number combination na 42-08-07-35-17-28.

Nanalo naman ng tig-P23,840 ang 36 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P330 naman ang 2,066 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya ang 27,522 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...