Janine bagay magmaldita, maglandi sa Dragon Lady

JANINE GUTIERREZ

Patok na patok sa mga manonood at netizens ang mga latest ganap sa afternoon series ng GMA na Dragon Lady, lalo na ang mga nakakalokang confrontation scenes nina Janine Gutierrez at Joyce Ching bilang sina Scarlet at Astrid.

Winner ang pagiging bida-kontrabida ni Janine sa serye kaya puro papuri ang ibinibigay sa kanya ng mga adik sa Dragon Lady. Tuwang-tuwa ang mga viewers kapag nakaka-score siya kina Astrid at Vera (Maricar de Mesa).

Mukhang nagtatagumpay na rin siya sa pang-aakit kay Michael (Tom Rodriguez) kaya naman nagpupuyos sa galit si Astrid na halos mamatay na sa sobrang selos. In fairness, bagay din pala kay Janine ang maging malandi, impakta at maldita, pero nasa lugar. Ha-hahaha!

Patuloy na subaybayan ang Dragon Lady after Eat Bulaga dahil mas marami pang pasabog at paapoy si Scarlet.

Read more...