Maymay: Hindi man naging perpekto ang kaarawan ko, pero…

MAYMAY ENTRATA

Nagkasakit pala si Maymay Entrata noong 22nd birthday niya last May 6. Pero hindi ito naging dahilan para maging happy and thankful siya sa isang taon na namang nadagdag sa kanyang edad.

Sa kanyang Instagram post, napasalamat siya sa kanyang pamilya at sa lahat ng mga taong tumutulong at patuloy na sumusuporta sa kanya at sa ka-loveteam niyang si Edward Barber.

“Buti nalang bago ako nagkasakit nakapagpicture pa ako. Pero kahit ganun pa man, ‘Everything is a blessing’ dahil ‘di man naging perpekto ang kaarawan ko pero malaking pasasalamat ko pa rin dahil mas natutunan kong pahalagahan ang mga maliliit na bagay gaya lamang ng kung gaano kahalaga na alagaan ang ating mga katawan, bigyan ng oras na magpahinga at mahalin ang sarili.

“Shempre bonus na dun ang pamilya ko na andyan para alagaan ako, sa lahat na mga greetings niyo sa ‘kin maraming salamat (nababasa ko po lahat) at pakiramdam na mahal nyo ko ay sapat na sa ‘kin,” mensahe ni Maymay.

Read more...