Haharapin ko na ang mga kumampi kay Nicko at nagsanib-pwersa para pabagsakin ako! – Kris

KRIS AQUINO

HAHARAPIN ni Kris Aquino ngayong araw ang mga kumampi sa dati niyang business partner na si Nicko Falcis noong kasagsagan ng kanilang legal battle.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng quote card ang Social Media Queen na naglalaman ng mga katagang, “5 years from now, he’ll be nothing but a memory. Don’t let him destroy you.”

Sa kanyang mahabang caption, sinabi ni Kris na hindi siya duwag kaya kahit hindi na kailangan, sasama siya sa kanyang mga abogado para harapin ang kanyang business “partners” sa Potato Corner + Nacho Bimby. Narito ang kabuuang mensahe ni Tetay.

“TRUTH: i have a board meeting tomorrow with my ‘partners’ in Potato Corner + Nacho Bimby.

Haharapin ko on my own yung mga taong kumampi kay nicko at nagsanib pwersa sa kagustuhang pabagsakin ako… my lawyers told me they can go on my behalf pero may katangian akong kayang ipagmalaki- hindi ako duwag.

“I remember telling you that it’s in life’s happy moments i miss my mom BECAUSE i loved seeing her proud of her bunso… but these past few days, i wish heaven would briefly share her with me, kahit sa Friday afternoon lang bago ko sila harapin, dahil ang mom, hindi sya ever pumayag na abusuhin na lamang ako, lalo na ng isang pamilyang feeling entitled na magsinungaling at bastusin ang buong pagkatao ko.

“Higit sa lahat, sa bawat oras na nadapa ako, inalagaan at inalalayan ako ng mom hanggang muli akong maka bangon.

“I’m honest enough to say i am afraid of tomorrow’s meeting because i’m entering the lions’ den. And my wounds are still healing. So it’s a given, they can smell blood.

“This is one instance I NEED MY MOM. Her warm embrace, even just her presence, always reassured me that everything will work out for the best.?? No matter our age, we never outgrow our need for our moms.

“Sila ang pumili ng venue, sila ang nagtakda ng oras at araw… all the painful memories have retuned in full force BUT i am Cory Aquino’s daughter and she taught me to never allow anyone to belittle my COURAGE nor sacrifice my INTEGRITY.”

Pinalakas naman ng mga netizens ang loob ng TV host sa kanilang mga mensahe.

Sey ni @the_mmy_v, “@krisaquino sa lahat ng pinagdaanan mong bagyo sa buhay nakayanan mo lahat.

Andito lang kaming mga supporters mo madame.”

Comment ni @ressa_ty, “My prayers for u. Nawa samahan ka ng Panginoong Diyos at protektahan, sa matamis na Pangalan ni Hesus, Amen!”

“Be strong miss. I love you walang manaig na kasinungalingan sa mundo ng katotohanan,” sey naman ni @judzme_amore.

Read more...