Rayver mas pinili ang trabaho kesa magbakasyon kasama si Janine

RAYVER CRUZ AT JANINE GUTIERREZ

NAPURNADA ang planong bakasyong grande ni Rayver Cruz sa Amerika mula Mayo 16 hanggang sa unang linggo ng Hunyo dahil may bago na agad siyang teleserye sa GMA 7.

Umalis nitong Martes si Rayver kasama si Julie Anne San Jose papuntang New York para dumalo sa Filipino Restaurant Week 2019 na taunang ginagawa ng mga restaurant na pag-aari ng mga Pinoy sa East Coast para i-promote ang Filipino dishes. Ang event ay gaganpin simula May 13 hanggang May 26.

Pero sa Mayo 16 ay pabalik na ng Pilipinas ang aktor dahil posibleng magsimula na siya ng taping para sa seryeng The Haunted Wife kasama sina Megan Young, Kim Domingo at Kris Bernal.

Ang balita namin ay sa Hunyo na ang airing ng The Haunted Wife na isang horror-drama. Hindi lang kami sigurado kung ano ang papalitan ng The Haunted Wife. Maaaring ang Dragon Lady na pinagbibidahan ng girlfriend ng aktor na si Janine Gutierrez na balitang malapit nang magtapos.

Kung ito nga, naaliw lang kami dahil ang Dragon Lady ang pumalit sa Asawa Ko, Karibal Ko na siyang unang serye rin ni Rayver sa GMA kasama sina Thea Tolentino at Kris Bernal.

Anyway, balita namin, kung natuloy si Rayver sa bakasyong grande niya sa Amerika ay magkikita pala sila roon ni Janine na three weeks namang magbabakasyon sa Los Angeles, California.

Well, work over lovelife ang pinili ng aktor dahil para rin naman sa future nila ito ni Janine. Saka kaya nga siya lumipat ng GMA dahil gusto niya ng maraming trabaho, e, di hayan nilatagan siya kaagad pagkalipas ng dalawang buwang pamamahinga.

Maiintindihan naman siguro ni Janine kung mas pinili ng boyfriend niya ang trabaho dahil marami pa namang pagkakataon na puwede silang magbakasyon.

Read more...