IPAPATUPAD ng Philippine National Police (PNP) ang 48 oras na liquor ban mula Mayo 12 hanggang Mayo 13 para matiyak ang mapayapa at maayos na halalan.
Sinabi ni PNP spokesperson Colonel Bernard Banac na magsisimula ang liquor ban mula alas-12:01 ng umaga ng Mayo 12 (Linggo) hanggang hatinggabi ng May 13 (Lunes).
“Sa May 12, magpapatupad ang PNP ng liquor ban bilang bahagi ng mga batas na pinaiiral sa eleksyon. Ito ay kabuuan na 48 hours ng liquor ban,” sabi ni Banac.
“Sa period na ito ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga inumin na nakakalasing at maging yung pag-inom,” ayon pa kay Banac.
MOST READ
LATEST STORIES