Water level sa Angat, Ipo dam patuloy na bumababa sa kabila ng mga pag-ulan sa Luzon

PATULOY na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam at Ipo Dam Huwebes ng umaga sa kabila ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon kagabi.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ganap na alas-6 ng umaga, naitala ang lebel ng Angat Dam sa 174.78 metro at 100.97 metro naman sa Ipo Dam.

Idinagdag ng Pagasa na bumaba ang lebel ng tubig ng Angat Dam sa 0.36 metro, samantalang nabawasan naman ang lebel ng Ipo Dam sa 0.05 metro.

“The water level in both dams remained below its normal high water level,” sabi ng state weather bureau. 

Bumaba rin ang lebel ng tubig sa Binga Dam, Ambuklao Dam, and San Roque Dam. 

Samantala, tumaas naman ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam ng 0.10 metro matapos makapagtala ng 68.55 metrong lebel mula sa dating 68.45 metro.

Sa kabila naman nitl, nananatiling nasa below average nito na 80.15 metro ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam.

Sinabi ng Pagasa na bahagya ring tumaas ang lebel ng tubig sa Pantabangan Dam, Magat Dam, at Caliraya Dam.

Naranasan ang malakas na pag-ulan sa Luzon kabilang na ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Batangas, Bataan, Pampanga, Nueva Ecija, Zambales, Quezon, at Cavite. 

Read more...