NAANTALA ang talumpati ni Pangulong Duterte sa isang political rally sa Bohol, Miyerkules ng gabi nang biglang gumapang ang ipis sa kanyang polo shirt.
Napahinto si Duterte sa kanyang pagsasalita habang tinatangkang alisin ng kanyang aide ang ipis sa kanyang damit.
Nagawa pang gumapang ng ipis sa harapan ng damit ng pangulo kayat siya na rin ang nagtanggal nito bago bumagsak sa sahig.
Nagawa naman magpatawa ni Duterte.
“Liberal ‘yan. Sigurado na ‘yan, klaro sa likod,” sabi Duterte sa Bisaya.
MOST READ
LATEST STORIES