Tag-ulan magpaparamdam na

NALUSAW ang dalawang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Ang ikatlong LPA na papasok sa Philippine Area of Responsibility ay inaasahang malulusaw na rin habang papalapit sa lupain ng Mindanao.

Maaari namang umulan dahil sa frontal system o ang pagsasama ng mainit at malamig na hangin.

Ang pag-ulan kahapon ay maaari umanong indikasyon na papalapit na ang pagtatapos ng tag-init at pagpasok ng tag-ulan.

Read more...