Tili ng basher kay Sharon: Mahiya ka naman, tahimik na po si Gabby kaya tantanan mo na

SHARON CUNETA AT GABBY CONCEPCION

With seeming finality ay tinuldukan na ni Sharon Cuneta ang pag-asang magkakatrabaho pa sila ni Gabby Concepcion.

Pag-amin niya sa kanyang social media account, kahit maging friends sila ni Gabby ay mukhang malabo nang mangyari.

“Sorry mga anak kong S-G. Wala na talaga eh. Wala na talagang pag-ibig o malisya. Kunin man ako ni Lord ngayon. Friendship pa alang-alang LANG kay KC. Pero okay din naman kundi na rin ibibigay ni Lord. Mas quiet at peaceful! Lab yu kids. #sorrynotsorry!” say ng Megastar.

Agad-agad namang may nagmaasim and said, “Ate mahiya ka naman sa sarili mo sana at konting konsiderasyon sa asawa mo at mga anak. Di ka na mini mention ni Gabby o pinag usapan pero ikaw itong ungkat ng ungkat. Nananahimik na ang tao ano ba talaga.”

Sinopla kaagad siya ng fan ni Sharon who said, “Fans niya ang nag tag! Sinagot lang niya para tumigil na kakaasa ma May pag asa pang gumawa sila ng movie o maging friends. Basa basa pag may time okay?”

Read more...