Lolo ni Karen delos Reyes sa TV ad pumanaw na

KAREN DELOS REYES AT RUDY FRANCISCO

Ibinalita ng dating Kapuso actress na si Karen delos Reyes sa pamamagitan ng social media ang pagpanaw ng veteran actor na si Rudy Francisco. Siya ay 96 years old.

Si Rudy Francisco ang gumanap na lolo ni Karen sa isang classic McDonald’s TV commercial noong early 2000 kung saan siya unang nakilala at sumikat. Siya rin ang ama ng TV host-actor-businessman na si RS Francisco.

Ni-repost ni Karen ang nasabing TV ad sa kanyang Instagram account na may caption na, “Sad day today (sad emoji). Rest in peace, Lolo Rudy Francisco.

“My deepest condolences to you and your family, @rsfrancisco888,” dagdag ng aktres.

Naging matinee idol ng Sampaguita Pictures si Rudy Francisco sa loob ng anim na taon mula 1950 hanggang 1956. Nawala siya sa mundo ng showbiz para mag-concentrate sa kanyang pagiging lawyer.

Ilang pelikula rin ang nagawa niya noon kung saan nakatrabaho niya sina Eddie Garcia, Gloria Romero at Lolita Rodriguez.

Read more...