Palaban si Konsehal Hero Bautista sa dalawang seksing leading ladies niya sa bago niyang project, ang “Fusion”. Ang tinutukoy namin ay sina Daiana Menezes at ang Japanese sexy actress na si Maria Ozawa.
Mapapanood ang pelikula sa Netflix, ayon sa tumatakbong konsehal sa ikaapat na distrito ng Quezon City. Ginawa raw niya ito bago magsimula ang campaign period para sa midterm polls na magaganap na sa Lunes.
“After elections, magre-resume kami ng shooting,” pahayag pa ni Konsehal Hero sa birthday lunch niya with the press.
Wala si Mayor Herbert Bautista sa tradisyunal na blowout ng Bautista family para sa mga members ng entertainment media na nagdiriwang ng kanilang kaarawan. Pero present naman ang kapatid niyang si Harlene Bautista na namamahala sa kanilang Heaven’s Best Entertainment film company.
Nang tanungin siya kung ano ang plano ng Kuya Herbert niya sa pagtatapos ng termino ng panganay na kapatid, “More on his kids ang gagawin niya. May offer din sa kanyang gumawa ng movie.”
Ang balita, papasok sa pagdidirek ng movie si Mayor HB habang nagpapahinga sa mundo politika, huh!