Vice handa nang maging housewife: Gusto kong matutong magluto

VICE GANDA

TULOY  ang pagpapakilig ng rumored couple na sina Vice Ganda at Ion Perez sa madlang pipol.

Nagkasama ang dalawa sa Amerika kung saan nag-concert tour si Vice with Ion or popularly known as Kuya Escort.

One netizen posted a video sa Instagram na kuha sa concert ni Vice. Maririnig ang Unkabogable Star na nag-dialogue ng “Gusto ko na kasing matuto na rin na magluto. Dahil alam niyo naman, siyempre pag nagiging housewife na, you have to learn how to be a homemaker.”

“You have to prepare breakfast once in a while. Ang sarap lang na paggising niya, meron ka nang handa para sa kanya.

“Tapos pagdating niya galing sa trabaho, pagod siya, kasi nag-jeep siya, may gumawa pa rin ng food para sa kanya,” he added.

Feeling ng audience, si Ion ang tinutukoy ni Vice sa kanyang spiel kaya palakpakan at walang humpay na sigawan ang mga tao sa venue. With this, mas marami pa ang naniniwala na may relasyon na nga ang dalawa.

Sa nasabi ring concert inamin ni Ion na love na love niya si Vice.

Read more...