Aktor utang nang utang hindi naman nagbabayad; napahiya sa bff na aktor
HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin nakababayad sa kanyang mga pinagkakautangan ang isang pamosong male personality. Hindi kasya ang kinikita niya para maipambayad sa mga pinagkagastusan niya nu’n dahil sa isang mahalagang okasyon sa kanyang personal na buhay.
Kuwento ng isang source, halos lahat ng kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ay nautangan niya pero nasira siya sa isang kilalang male personality na malapit pa naman sa kanya.
Reaksiyon ng aming source, “Nakahiram siya sa ibang mga katrabaho niya, pero du’n sa male personality na akala pa niya naman, e, hindi tatanggi sa lambing niya ang hindi nagpautang sa kanya.
“Akala niya, e, kilalang-kilala na niya ang friend niya, pero hindi pa rin pala, dahil natiis siya! As in, hindi siya pinautang, wala siyang nautang na kahit magkano sa friend niya!
“May nagsabi na sa kanya nu’n pa na huwag na siyang uutang sa male personality, pero malakas ang loob niyang magtanong, kasi nga, e, magkaibigan sila at alam niyang hindi siya matitiis ng kaibigan niya.
“Pero nabigo siya, nakalabas daw ang lahat ng datung ng friend niya sa business, meron daw siyang hawak na cash, pero para ‘yun sa panggastos niya sa araw-araw.
“So, bigo ang male personality, napatulala na lang siya, hindi niya kasi ine-expect na ang bestfriend pa pala niya ang hindi makatutulong sa matinding pangangailangan niya,” umpisang kuwento ng aming impormante.
Mabuti pa kuno ang mga kailan lang niya nakatrabaho at nagkani-kanyang pahiram sa kanya ng datung.
Nang banggitin niya ang hindi pagpapahiram ng datung ng kaibigan niya ay iba-ibang kuwento ang kanyang narinig.
Balik-chika ng aming source, “Naku, mas nawindang siya sa mga nalaman niya! Kaya pala ilang palit na ng driver ang male personality na ‘yun, e, dahil din sa datung!
“Hindi pala siya masyadong generous sa mga tauhan niya, nagpapautang naman siya kapag matindi ang pangangailangan ng mga tauhan niya, pero mahigpit siya sa paniningil.
“Sorry, hindi naging masuwerte ang male personality sa pangungutang sa kunu-kuno, e, brother na niya, sorry na lang sa kanya, hindi siya naging lucky,” pagtatapos ng aming source.
Nakow, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, bigay na bigay na kung sinu-sino sila, ha?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.