Herbert, Hero, Harlene walang iwanan, tuloy ang laban | Bandera

Herbert, Hero, Harlene walang iwanan, tuloy ang laban

- May 09, 2019 - 12:05 AM


SUPER busy ngayon ang Heaven’s Best Entertainment na pag-aari ng magkakapatid na Herbert, Hero at Harlene Bautista.

Pagkatapos nga ng sunud-sunod na success ng kanilang huling movie na “Rainbow’s Sunset” na isa sa mga humakot na entry sa 2018 MMFF, nakalinya na ang mga susunod na proyekto ng Heaven’s Best.

“We’re very lucky of course because of the success of ‘Rainbow’s Sunset.’ May tinatamasa pa rin kaming tangumpay hanggang ngayon. Very recently ‘yung Worldfest Houston sa Texas, nanalo tayo ng dalawa, best actor sina Tito Eddie (Garcia) at Tito Tony (Mabesa) at si Eric Ramos bilang story innovation and ‘yung special jury prize and ‘yun,” ani Harlene sa pa-birthday thanksgiving ng kanilang pamilya sa mga members ng entertainment press.

“Nakasali rin siya sa Miami bagamat wala siyang award na natanggap pero sobrang well received siya ng audience roon. It’s called Outshine film festival, isang LGBTQ festival na ginanap sa Miami and then sa October, hopefully kasama rin doon ang pelikula namin.

“Ngayon ginagawa namin yung ‘In the Name of the Mother,’ starring Snooky Serna, Divina Valencia, Gardo Versoza, Diana Zubiri, Pancho Magno and Rita Daniela. This is directed by again by Joel Lamangan.

“Ang isa pang ginagawa namin for iWant, yung ‘Don’t Call Me Tita’ with Cherie Pie Picache, Joanna Ampil, Mylene Dizon, Angelica Panganiban, Agot Isidro, Jaclyn Jose and Ice Seguerra. This is for Dreamscape Entertainment directed by Andoy Ranay,” lahad pa ni Harlene.

Samantala, ang kapatid naman nina Harlene at Herbert na si Hero na tumatakbong councilor ngayon sa 4th District ng Quezon Cty ay hindi pa rin naman nagre-retire sa pag-aartista.

Aniya, pagkatapos ng eleksyon ay babalik na uli siya sa paggawa ng pelikula, siya ang bida sa pelikulang “Fusion” na ipalalabas sa Netflix, “Leading lady ko po dito sina Diana Meneses at Maria Ozawa. Nag-ahit ako ngayon kaya nagmukhang bata, pero sa movie, medyo may edad na ang character ko. Hopefully by September ilalabas na ito.”

Medyo nangitim din si Hero ngayon dahil talagang nabibilad sila sa araw sa pag-iikot sa ikaapat na distrito ng Q.C.. Maganda naman daw ang reception ng mga constituents niya, “Hangga’t buo ang grupo namin at hangga’t nandito ako, handa akong magserbisyo.”

“Si Kuya Hero, nakikita ko na talagang mahal siya ng mga constituent niya dahil palatawa, palabiro, madali siyang malapitan, madali siyang kausap hindi tulad ng iba na mahirap lapitan. ‘Yun talaga ang nagustuhan sa kanya,” ani Harlene.

Tungkol naman sa plano ni Bistek after elections, focus daw muna ito sa kanyang mga anak at dahil malalaki na nga ang ito, catching up siya ngayon. Gusto niyang makasama pa nang madalas ang mga anak dahil nasa public service na siya since 15 years old siya.

So, 35 years na siyang nagseserbisyo kaya okey lang na magpahinga muna siya at hindi na rin siya bumabata.
Ayon naman kina Harlene at Hero, posible rin daw na mapanood silang magkakapatid sa isang project

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

pero sa ngayon magpo-focus muna sila sa mga nakalinya nilang movies this year, kabilang na ang possible entry nila sa 2019 MMFF.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending