Magnitude 4.7 aftershock naramdaman sa Eastern Samar

NIYANIG ng magnitude 4.7 aftershock ang Eastern Samar kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-11 ng umaga. Ang epicenter nito ay 37 kilometro sa silangan ng San Julian at may lalim itong limang kilometro.

Ayon sa Phivolcs ito ay aftershock ng magnitude 6.5 lindol sa Eastern Samar noong Abril 23.

Nagdulot ito ng Intensity IV sa San Julian, Maydolong, at Borongan City sa Eastern Samar.

Intensity III naman sa Gen. MacArthur, Eastern Samar; at Catbalogan City sa Samar.

Intensity II naman sa Lawaan, Eastern Samar; at Tacloban City.

Read more...