TATLONG low pressure area ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration at dalawa dito ang inaasahang magpapa-ulan sa Luzon.
Isang LPA ang natukoy sa West Philippine Sea 195 kilometro sa timog kanluran ng Sinait, Ilocos Sur kahapon ng umaga.
Ang isa pa ay nasa Philippine Sea 335 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Ang ikatlo ay papasok sa Philippine Area of Responsibility kahapon ng umaga. May 1,120 kilometro ang layo nito sa silangan ng Mindanao.
Maliit umano ang tyansa na maging bagyo alinman sa tatlong LPA.
MOST READ
LATEST STORIES