Pagtaas ng presyo bumagal-PSA

BUMAGAL ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa noong Abril, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Ayon kay PSA Assistant Secretary Josie Perez naitala sa 3.0 porsyento ang inflation rate ang pinakamababang naitala mula noong Enero 2018.

Noong Abril 2018 ang inflation rate ay 4.5 porsyento. Noong Disyembre 2017 ang inflation rate ay 2.9 porsyento.

Sa National Capital Region ang inflation rate noong Abril ay 3.1 porsyento bahagyang bumaba mula sa 3.2 porsyento noong Marso at 5.2 porsyento noong Abril 2018.

Ang pinakamababang inflation rate noong nakaraan buwan ay naitala sa Region VII (Central Visayas) na naitala sa 1.3 porsyento at ang pinakamataas naman ay 4.6 porsyento na naitala sa MIMAROPA (Region IV-B).

Read more...