ISANG low pressure area ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa Luzon area.
Ngayong araw, ang LPA ay nasa layong 125 kilometro sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Hindi pa tiyak kung ito ay magiging bagyo na magpapaulan sa bansa.
Isa pang LPA ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility. Kahapon ito ay nasa layong 1,100 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Inaasahan na papasok ito ng PAR ngayong araw subalit maliit umano ang tyansa na ito ay maging bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES