Safety, health sa culinary training

DEAR Aksyon Line,
Isa po akong estudyante ng six months culinary course dito sa NCR at isa po sa itinuturo sa amin ay tungkol sa occupational health and safety. Pwede ko po bang ma-ging basis ‘yun as training para magkaroon ng certificate of training? Entitled/authorized po ba ang school na magbigay or kailangan ko pa ring mag-undergo ng training?
Kung kailangan pa rin, saan po ako puwedeng mag-take ng training? May scheduling pa ba sa pagkuha? Magkano po ang bayad?
Rose
REPLY: Kami ay lubos na natutuwa sa iyong interes na matuto ng tungkol sa occupational safety and health at maganda rin na isinama ang safety and health sa inyong culinary training.
Dapat talaga na sa kahit anong trabaho, nabibigyan ng importansya ang mga manggagawa sa kanilang kaligtasan at kalusugan.
Kung ang nais mo ay certificate na magagamit mo sa pagpapa-accredit bilang isang safety officer, dapat na kumuha ka ng Basic Occupational Safety and Health Training Course.
Ito ay mandatory sa lahat ng safety officers at ayon sa ating Occupational Safety and Health Standards (“Yellow Book”), lahat ng kumpanya ay dapat na may sapat na dami ng safety and health officer ayon sa dami ng kanyang manggagawa.

Ang training na ito ay 40 hours na maaari mong kunin sa OSHC, OSHNET (meron nito as bawat rehiyon) o sa mga accredited safety training organizations.
Kung ikaw naman ay masyadong busy, pwede mong kunin ang on-line version.
Kung sa amin mo nais kumuha ng training na ito, maaari kang tumawag sa 924-2414 o 927-0926 para mabigyan ka ng schedule.
Ibinibigay namin ang training na ito sa halagang P3,500.00 Nasa aming website (www.oshc.dole.gov.ph) ang mga accredited private safety training organizations na nagbibigay din ng nasabing training.
Maraming salamat at sana ay patuloy kang magbigay halaga sa kaligatsan at kalusugan ng mga manggagawa:-)

Diana Joy G. Romero
Information Officer III
Occupational Safety and Health Center
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jbilog@bandera.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...