Ilang AlDub fans hindi matanggap na happy sina Maine at Arjo

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

WHEN Arjo Atayde escorted Maine Mendoza sa pa-birthday party sa kanya ng fans kahit na matagal na rin naman ang kanyang tunay na birth date, bashers had a field day.

Una, hindi nila matanggap na the couple is very happy. Pangalawa, hindi nila ma-take na si Arjo ang kasama ni Maine at hindi si Alden Something. Pangatlo, butt hurt sila sa sweetness ng couple na magka-angkla nang dumating sa party.

And there’s even one basher who stooped that low. Imagine, pati outfit ni Arjo na sinasabing nasuot na niya ay napansin pa. Eagle-eyed yata ang basher at pati iyon ay napuna.

“Lagi na lang iyan ang suot ni Arjo. wala na bang ibang polo Arjo?!?” wailed one basher.
Arjo’s fans did not take it sitting down. Sila na ang nagtanggol sa actor.

“Grabe naman porket artista di na pwede mag-ulit ng damit? Tsaka kung yun gusto nya eh mahalaga nilalabhan kaya malinis na at pwede na isuot ulit.”

“May masama ba sa pag-uulit ng damit? Kanya naman yun. Tipid tipid din sa clothes. Malaking pollutant, grabe yung ecological footprint. Recycling textiles is DIFFICULT at sa rate ng tinatapon na damit because of the rise of fast fashion its impossible to keep up. Honestly dapat we should all be more conscious at wag madyahe na mag paulitulit ng damit. Bow.”

“Bilib naman ako sa mga artista na ganyan. Yung ok lang na inuulit ang damit.”
Teka, kailan pa ba naging krimen ang pag-uulit ng damit? Mayaman ka ba, ‘te, kaya hindi ka nag-uulit ng damit?

 

Read more...