COMEDIENNE Ethel Booba took a swipe at politicians who spent millions sa kanilang TV ads.
“Lakas gumastos sa TV Ads parang ang laki laki ng sweldo ahh. Charot!” tweet niya.
It was met with sarcasm ng mga followers niya. Dami nagbigay ng comment, lahat kampi kay Ethel.
It doesn’t make sense naman kasi na one will spend millions for a political post when the position will only give you P100,000 a month at the most.
“Dami nila budget ahhh! San kinuha? San kukunin?”
“Galing kaya sa Yolanda and Marawi funds. Just a thought.”
“Nakakasuka na mga political ads sa TV. Alam na kung sino mapera. Not worthy.”
“Babawiin kasi nila after election. Serbisyo Kawatan hindi Serbisyong Bayan.”
“Galing daw yun sa mga donasyon. Donasyon mula sa buwis ng taong bayan. Hekhek.”
“Babawiin kasi nila yung mga nagastos kapag nahalal na sila. Oooopppps.”
“Malaki siguro ang ineexpect na makukuha sa kaban ng bayan sakaling maupo na sa pwesto. Kumbaga sa negosyo, return of investment ang iniisip ng mga hinuyupak na yan. #PolitikaSaPinas.”