HINDI pinalampas ni Heart Evangelista ang isang basher na nagkomento tungkol sa kanyang hair.
Sa isa niyang Instagram post, isang netizen na may handle name na @ynesaguirre08 ang nag-comment ng “Ubanin ka na Ms Heart. Ang yaman mo naman. Why don’t you do something about it. You look order that your age. #justsaying.”
Diretsong sagot ni Heart na sosyalin pa rin ang dating, “You can try to make me feel bad but it’s just not gonna happen (smile emoticon) I have self worth dear.”
Dagdag pa ng Kapuso actress, baka raw sa lighting lang ng photo kaya nagmukhang may uban siya. Sana raw ay huwag muna siyang magkaroon ng gray or white hair this early.
“My mom doesn’t even have white hair till this day so hopefully I won’t too (smile, thumbs up, praying emojis),” aniya pa.