Coco kinuhang kontrabida si Baron sa ‘Ang Probinsyano’ sa 1 kundisyon…

COCO MARTIN

DAHIL kay Coco Martin, makakaipon na uli ng malaki-laking halaga si Baron Geisler, lalo na ngayong malapit na silang magpakasal ng kanyang fiance na si Jamie Marie Evangelista.

Mismong si Coco ang pumili kay Baron para maging bagong kontrabida niya sa Ang Probinsyano. “Laking pasalamat ko kay Coco na binigyan niya ako ng chance sa Probinsyano. Ito yung chance ko to earn money and to support my wife-to-be,” chika ng aktor sa panayam ng ABS-CBN.

Inamin ni Baron na may isang request o kundisyon si Coco bago siya tanggapin sa Probinsyano, “Ang sabi ni Coco,

‘Bro, tutulungan kita, pero tulungan mo rin ang sarili mo. Ang hinihingi ko lang sa ‘yo, makisama ka lang, maging professional ka lang. Maraming shows ang ABS-CBN, hindi ka mawawala.’”

Dagdag pa ng aktor, ibinenta niya kamakailan ang kanyang sasakyan para sa itinayo niyang barbershop business sa Cebu, “Ang bait ng ABS-CBN kasi sinusundo at hinahatid nila ako kapag may taping. Hindi na ako nagko-commute.

“Pakiramdam ko, I’m starting from humble beginnings, from scratch talaga. Naranasan ko noon na maghahagilap ng pera para kumakain. Coming from a well-to-do family, naranasan kong maghirap,” aniya pa.

Nang matanong kung tuluyan na nga ba niyang tinalikuran ang pagiging alcoholic at hindi na magiging problema ng production, “Ayokong mangako, I’m enjoying my job. I feel comfortable under my skin, na-forgive ko na ang sarili ko, wala akong problema kahit kanino.

“Ang hirap kapag nangangako, nauunsiyami. Dapat gawin na lang. So far, wala namang negative. Every day, may meditation ako. Sickness na kasi yung pagiging alcoholic ko, e,” ani Baron.

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa paglabas niya sa Probinsyano.

Ayon kay @nylnyl071564, “You are a very good actor. You got this. Keep it up! Congratulations on your engagement to @jamieevangelista!”

“So glad na bumalik ka sa showbiz! Keep it up! Napakagaling mong artista Baron!” sey ni @gwennieweng.

 

Read more...