Komedyante mas masahol pa sa riding in tandem kung huthutan ang mga dyowa

WASAK na nga ang kartada ng isang male personality pagdating sa pakikipagrelasyon. Para na siyang maysakit na iniiwasan ng mga kababaihan.

Ilang female personalities na kasi ang kinarelasyon niya na ang naging ending ay panggagamit lang niya. Magaling siyang magpaikot, sabi ng mga nakarelasyon niya, kaya dapat lang siyang iwasan.

Kuwento ng aming source, “‘Yung mommy ng isang naging girlfriend niya, e, hindi pa rin makapag-move-on hanggang ngayon sa inis sa lalaking ‘yun!

“Paano, literal nilang nasaksihan kung paano ginamit ng male personality ang anak nila. Malaki ang naiipong datung ng girl sa kanyang bank book dahil hindi naman siya obligadong magbigay sa family nila, pero nu’ng makarelasyon niya ang male personality, e, para siyang hinoldap!

“Walang ka-riding in tandem ang guy, pero mas matindi siya, ewan kung ano ang charisma na meron siya para mapapayag niya ang girl sa gusto niya!” umpisang chika ng aming source.

May iniikut-ikutan na namang female personality ngayon ang lalaking personalidad, mukhang naamoy na naman niyang madatung ang girl, kaya kung anu-anong gimik ang ginagawa niya ngayon para mapasagot ang babae.

“Matalino ang girl! Nagtanong muna siya sa mg ex ng nanliligaw sa kanya! Ayun, nalaman niya kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nakipagrelasoyn siya sa guy.

“Siguradong mawawasak ang bulsa niya, mawawalan ng laman ang wallet niya at ang bank book niya, siguradong mauubusan ng laman!

“Kung artista ang liligawan ng male personality, e, wala na siyang pag-asang makapasa. Kilala na nga kasi ang kartada niya, alam na alam na ng mga artistang babae ang galing niya sa panghuhuthot, sa totoo lang.

“Baka non-showbiz pa, e, meron siyang makarelasyon dahil hindi pa siya kilala. Nakakaloka ang guy na ‘yun, minaster na niya ang panghuhuthot sa datung na karelasyon niya!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pinapahalakhak pa naman kayo sa isang sitcom ng use me in a sentence na male personality na ‘yan!” pagtatapos ng aming impormante.

 

Read more...