Regine vs Moira: Nagkapikunan bilang hurado ng Idol PH?

NAGING hot topic sa social media kahapon ang tensyon na namagitan sa dalawang  Idol Philippines judges na sina Moira dela Torre at Regine Velasquez.

Nag-ugat ito sa magkaibang pananaw ng dalawang hurado tungkol sa isang contestant na katunog ng boses at kapareho ng style ni Moira.

Matapos mag-perform ang nasabing Idol hopeful, nag-comment ang Asia’s Songbird at ikumpara ang ilang mga nag-o-audition sa nasabing reality singing search ng ABS-CBN sa tunog at style ni Moira.

“I liked the song, I liked how you performed it, I like your voice,” unang komento ni Regine.

“My problem is, ‘you guys have the same sound’ to me I know it’s current but you sound the same and the thing is, I know you’re making the sound, it’s not something you’re born with. You make the sound. It’s the tone that you make,” lahad pa niya.

Pero pagkontra ni Moira sa Songbird, “I understand, ‘yung pinanggagalingan ni Mama Reg, (Regine) na ‘yung generation natin, ang daming ganito ang sound.”

Dagdag pa ni Moira, “But also Mama Reg, gusto kong i-defend si Leann (Idol aspirant) because for me ang dami ko na din nasulat na kanta, ‘yung mga kanta ko pare-pareho ang tunog until I brought it to the studio and i-arrange na.”

Depensa naman ng Songbird, “No, no I’m not talking about the genre, it’s the voice.”

Pero bago pa man matapos ni Regine ang kanyang sinasabi biglang tumayo si Moira at nag-dialogue ng, “Uwi na po ako.” Kanya-kanya naman ng reaksyon ang mga netizens sa social media sa tila pagkakapikunan ng dalawang IP judges.

Ngunit ilang sandali ang lumipas, nagbiro na lang si Regine sa naging mainit na pagtatalo nila ni Moira sa Idol Philippines. Tweet ng Songbird, “It’s the same sound!!!!! @moirarachelle4 @idolphilippines.” Na sinagot naman ni Moira ng, “Tama na poooo! Hahahahaha! Llove u mama Regggg!”

Ibig sabihin lang nito, hindi nagkapersonalan ang dalawang hurado ng IP, trabaho lang!

Read more...