‘Ganyan ba dapat ang klase ng kampanya ngayon, Sharon?’


SA VILLAMOR Air Base —home to retired soldiers and their families—idinaos ang caucus nitong April 28, Sunday, ni Chet Cuneta at ng kanyang mga ka-ticket.

Known to many, ang kuya ni Sharon Cuneta ay tumatakbong alkalde sa Pasay City in his bid to reclaim this southern part of Metro Manila na sa matagal na panahon ay pinamunuan ng kanilang amang si Pablo (SLN).

Kung bakit naman nagkataong ang isa sa mga re-sidente roon, a college professor, has become our partner in walwalan.

Bale ba, nakikabit pa raw ng kuryente ang pangkat ni Chet sa kanilang bahay (in fairness, may bayad naman).

The Megastar was at the caucus, siyempre, to the delight of the residents who trooped to the venue kung saan ginaganap ang caucus. “Kung mahal n’yo po ako, mahalin n’yo rin po ang aking kapatid,” panliligaw-ng-botong sey raw ni Sharon sa audience.

Bagama’t we forgot to ask our Villamor Air Base resident-source kung nagpaunlak nga ba si Sharon ng awitin, he was most certain na marami—most of whom are soldiers—ang nadismaya sa mga sinabi ni Chet sa entablado.

Chet took the opportunity to tongue-lash a candidate sa pagka-Konsehal sa District 1 (na sakop ng Villamor) na personal naming kilala. In fact, ang ancestral home ng taong binanatan ng kuya ni Sharon ay ilang tumbling lang mula sa aming tinitirhan sa Pasay City.

Chet’s object of public ridicule, a former aide de camp of the late Pablo Cuneta, ay “tito” kung tawagin namin whose immediate relatives are close to us.

Dismayado raw ang mga residente ng Villamor sa ‘di nila akalaing pagmumura nang pagkalutung-lutong ni Chet sa taong ‘yon, that the caucus seemed like a blizzard of Tagalog expletives. “Piloto ba ‘yon?” ang buong pagtatakang tanong ng mga ito who hardly believed that a decent-looking man could utter such foul language.

What the Villamor residents sana wanted to hear from Chet ay ang plano nito para sa Pasay City, kung paano ito pauunlarin and be able to erase its infamous “sin city” stigma.

Wala raw kasing pakialam ang mga tagaroon kung anumang personal vendetta meron si Chet or si Sharon laban sa taong ‘yon. But instead of building him up to gain the residents’ vote of trust ay napapailing na lang daw ang mga ito. To which we totally agree.

Ang pinag-uusapan naman kasi’y kung ano ang kakayahan meron si Chet in trying to change Pasay City from what it is, pangit man o pagkapangit-pangit sa paningin niya.

But how could Chet pass judgment kung hindi naman talaga siya nakatira sa Pasay City? With known address in Makati, may “kambal” ba si Chet na nakatira sa Pasay who knows exactly the ongoings in the city?

And please, address the issues confronting the city. Huwag ‘yung minumura mo ang isang kandidato na hindi mo naman direktang katunggali.

Naturingan pa naman ka-sing mataas ang iyong pinag-a-ralan backed up by a famous celebrity, tapos, magmumura ka lang ng P.I. nang paulit-ulit with no regard for children either in the audience o nakakarinig within earshot?

Ganito na ba ang pa-ngangampanya ngayon, Sharon, when it’s much easier to put other people down than build yourself up?

Read more...