PATULOY sa pagiging numero uno sa mga puso ng maraming Pilipino nitong Abril ang mga makabuluhang balita at programang kapupulutan ng aral mula sa ABS-CBN matapos magtala ng average audience share na 46%, ayon sa datos ng Kantar Media.
Hindi pa rin natitinag bilang pinakapinanonood na programa nationwide ang FPJ’s Ang Probinsyano (38.5%) ni Coco Martin na sinundan ng World of Dance Philippines (32.6%) na matagumpay na nagtapos sa ere.
Nasa ikatlong pwesto naman sa listahan ng most watched programs nationwide noong Abril ang The General’s Daughter ni Angel Locsin (31.3%) dahil sa episodes nitong puno ng aksyon, samantalang nasungkit agad ng bagong weekend talent reality show na Idol Philippines (29.5%) ang ikaapat na pwesto.
Patok na patok sa viewers ang palitan ng punchlines at comments ng mga judges na sina James Reid, Reguine Velasquez, Vice Ganda at Moira dela Torre.
Mas maraming Pilipino pa rin ang tumututok bawa’t gabi para sa mga balita na hatid ng TV Patrol (28.3%) na kumumpleto sa top five.
Samantala, pasok sa ikaa-nim na pwesto ang Kadenang Ginto (25.3%) na most watched afternoon show nationwide na laging trending online.
Kabilang din sa listahan ang Halik (25%), Maalaala Mo Kaya (24.5%), at ang bagong Dreamscape weekend program na Hiwaga ng Kambat (23.5%) nina Maymay Entrata at Edward Barber.
Dahil patuloy na inaaba-ngan tuwing hapon ang Kadenang Ginto, tumaas ang ave-rage audience share ng afternoon block (3 p.m. -6 p.m.) ng ABS-CBN, kung saan nakapagtala ito ng 51%.
Ito rin ang unang beses ngayong 2019 na umabot ang afternoon average audience share ng ABS-CBN sa 50%.
Panalo rin ang ABS-CBN sa iba’t ibang timeblocks, kabilang na sa primetime block (6 p.m. to 12 midnight), kung saan nakakuha ito ng average audience share na 48%. Ang primetime block ang pinakaimportanteng parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilipino ay nanonood ng telebisyon.
Tinutukan din ang ABS-CBN sa morning block (6 a.m. to 12 noon) sa pagtala nito ng average audience share na 35% at sa noontime block (12 noon ro 3 p.m.), matapos itong magkamit ng 47%.
Mas pinanood din sa Metro Manila at Mega Manila ang Kapamilya network. Sa Metro Manila, nagtala ang Kapamilya network ng average audience share na 44%. Sa Mega Manila naman, nakakuha ng 38% ang ABS-CBN.
Namayagpag din ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagtala nito ng 41%; sa Total Visayas sa pagkamit nito ng 55%; at sa Total Mindanao, kung saan nakasungkit ito ng 54%.