Grass fire sumiklab sa bakanteng lote malapit sa PNR sa Bulacan

APAT na oras tumagal ang grass fire matapos sumiklab sa dalawang ektaryang bakanteng lote malapit sa Philippine National Railways (PNR) North-South Railway construction site sa Malolos City, Bulacan, kahapon.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula ganap na alas-5:30 ng hapon malapit sa cockpit arena at kumalat sa isang residential area sa Barangay Cofradia.

Rumesponde ang mga fire truck mula sa Malolos City at mula sa kalapit na mga bayan ng Guiguinto, Plaridel at Paombong.

Wala namang nasaktan sa sunog na idineklarang naapula na ganap na alas-9:34 ng gabi.

Read more...