ITINAAS ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon ngayong araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology mula noong Sabado hanggang kahapon ay nakapagtala ito ng mga seismic activity sa bulkan. Umabot sa 16 na volcanic earthquakes ang naitala ng seismic monitoring network sa lugar.
Mayroon din umanong nakitang pamamaga sa ibabaw na bahagi ng bulkan at tumaas ang temperatura ng tubig sa mga hot spring bukod pa sa mahinang paglabas ng puting usok sa bunganga nito.
“In view of the above activities, PHIVOLCS is now raising the Alert Level status of Bulusan Volcano from Alert Level 0 to Alert Level 1 (abnormal). This indicates that hydrothermal processes may be underway beneath the volcano that may lead to steam-driven eruptions.”
Pinaalalahanan ang publiko na huwag pumasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone dahil maaaring magkaroon ng biglaang pagsabog at pagkahulog ng bato.
Ang mga eruplano ay pinayuhan din na lumayo sa bukana ng bulkan.