Honororia ng BEI sa eleksyon bubuwisan

WALA pa ring tugon ang Bureau of Internal Revenue sa panawagan ng mga guro na huwag patawan ng buwis ang ibabayad sa mga guro na magsisilbi sa 2019 elections.

Ayon sa Alliance of Concerned Teacher hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay ng BIR ang refund para sa mga guro na hindi dapat pinatawan ng limang porsyentong buwis nang magsilbi noong barangay election noong 2018.

Para sa ACT mali ang ginagawang automatic tax deduction ng BIR sa mga guro at ang mahabang proseso na kailangang pagdaanan para makuha ang refund ng mga hindi dapat pinatawan ng buwis.

“The unjustified taxing of our poll service compensation brought forth a string of problems to teachers that causes bitterness to teachers as they perform their otherwise noble and nationalist duty of facilitating the people’s exercise of their right to vote,” ani Ruby Anna Bernardo, spokesperson ng ACT Teachers’ Election Hotline.

Sinabi ni Bernardo na walang batayan ang pagpapataw ng buwis sa kitang ito ng mga guro.

“BIR is evidently sleeping on its job as they are still yet to act on our petition one year later,” dagdag pa ni Bernardo. “Despite their clearly faulty automatic tax deduction and refund system, they insist on continuing its implementation. In fact, the travel allowance recently received by Electoral Board members who attended BEI (Board of Election Inspector) Trainings was again indiscriminately charged with 5% tax.”

Read more...