Para sa may kaarawan ngayon: Unti-unti ng namamayani sa kalangitan ang signos ng Taurus kasabay ng maulap na kalawakan. Lumabas ka ng bahay. May magandang kapalaran mapapakinabangan. Bukod sa nakakikilig na romansa, malaking halaga ng salapi ang makukobra mula sa isang political gathering. Mapalad ang 1, 6, 27, 34, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Huwag guluhin ang isip sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang isipan, mas masarap na romansa ang mararanasan. Sa materyal na bagay kapag wala kang gaanong iniisip, kusang darating ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 9, 21, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Khangaya-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Huwag ma-guilty sa mga bagay na hindi natapos gawin. Sabihin sa sarili, “yan lang ang nakayanan!” Sa pag-ibig, kung laging nagre-request ng kung ano-ano ang kasuyo, ipaliwanag sa kanyang, hindi mo yon kayang ibigay ang lahat ng kanyang gusto. Mapalad ang 6, 15, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Pink at gold ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kung hindi ka magbabago ngayon, kailan pa? Baguhin ang istilo sa pagta-trabaho, dagdag na sipag ang dapat. Sa pag-ibig, baguhin ang istilo ng pakikipag-romansahan upang hindi maboring ang kasuyong mahilig. Mapalad ang 5, 8, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa linggo ito maraming salapi ang pawawalan ng tadhana, kailangang may masagap at may masapo ka. Laging mag lalabas ng bahay. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-date sa kasuyong Capricorn. Mapalad ang 8, 14, 16, 24, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Magiging masaya ang araw ngayon kung magpapatuloy ang magandang panahon. Ang mga Leo ay naka-depende sa sikat ng araw. Kapag lalo pang uminit ang panahon, tuloy-tuloy na uunlad ang kabuhayan at lalong magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 2, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Orange at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Nasa sarili mong pagsisikap ang iyong ikauunlad. Sa pag-ibig nasa iyo ang initiative upang muling uminit ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 1, 5, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Yellow at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Madaragdagan ang iyong gastusin, dahil malapit na naman ang pasukan. Kailangang magtipid. Sa pag-ibig, ipayapa ang isipan, nasa mabuting kalagayan ang iyong minamahal. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at apple green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Magkakaroon ka ng malaking halaga ng salapi mula sa isang grupo ng mga politikong pulpol. Tanggapin ang kanilang inaalok, sayang ang grasya. Sa pag-ibig, wag ng pansinin ang kasuyong makulit, gusto ka lang niyang maisahan. Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sahatsha-Sarva-Om.” Red at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kailangan mong sumikat at makisalamuha sa lipunan, sapagkat iyan ang iyong tadhana. Sa lingong ito maki-join sa mga gawaing may kaugnayan sa mga religious at political activities. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Aries. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus-Om.” Red at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Upang sumeksi kang muli iwasan ang pagkahilig sa pagkain. Mentras maganda kang tingnan mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, iwasang maging chubby upang hindi iwanan ng minamahal. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Secundus-Nulli-Om.” Black at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung lalakasan mo lang ang iyong loob, noon ka pa sana mayaman! Hindi pa huli ang lahat, Oo lakas ng loob ang kailangan upang tuloy-tuloy na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Libra o kaya’y sa isang Gemini, dahil kapag nawala sila, wala na uling darating sa iyong buhay. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Ituloy ang kasalukuyang diskarte. Kapag nahawi na ang mga problema, may mas malaking halaga ng salaping makukuha. Sa pag-ibig, habang umiinit ang panahon lalo namang iinit ang pagmamahalang hatid ng kasuyong Cancer. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.